Limang kaso ng Delta variant ng COVID-19, naitala sa CALABARZON

Kinumpirma ng DOH Center for Health Development- CALABARZON na limang kaso ng Delta variant ng COVID-19 ang naitala sa rehiyon.

Sa pagpupulong ng Regional Task Force Against COVID-19, iniulat ni DOH CHD 4A OIC Dr. Paula Paz Sydiongco na mula sa limang kaso ay dalawa ang naitala sa Laguna, dalawa sa Cavite, at isa sa Batangas.

Nilinaw naman ng DOH CALABARZON na nakarekober na ang limang kaso makaraang makatapos ng 14 na araw na quarantine.

Tatlo sa limang kaso ng Delta variant ay mga returning overseas Pinoy habang ang dalawa ay local transmission.

Nagsasagawa na ng contact tracing DOH CALABARZON para mapigilan ang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19 na mas nakakahawa.

Moira Encina

Please follow and like us: