Listahan ng mga artistang nasa narcolist ng PDEA, hindi isasapubliko ni Pangulong Duterte

Makahihinga na nang maluwag ang mga artistang kabilang sa drug watclist ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Ito ay makaraang si Pangulong Rodrigo Duterte na  ang nagsabi na wala siyang planong ilabas sa publiko ang mga pangalan ng mga artistang nasa narcolist ng PDEA.

Katwiran ng Pangulo hindi naman tatakbo sa anlin mang puwesto sa gobyerno ang mga artistang nasa narcolist.

Ayon sa Pangulo hindi katulad ng narco politicians na pagdating ng araw ay  maluluklok at hahawak ng puwesto sa gobyerno.

Giit ng Pangulo morally bound siya o tungkulin niyang ipaalam sa mga tao ang klase ng politiko o opisyal na kanilang iboboto.

Ayon sa Pangulo kapag binoto pa rin  ang mga ito at nanalo kahit pa sangkot sa iligal na droga wala na siyang magagawa dahil may umiiral na demokrasya sa bansa.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *