Listahan ng mga mabibigyan ng Covid-19 Vaccine, inanunsyo ni Health Sec. Francisco Duque

Bagamat nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ng bakuna para sa Covid-19 ang lahat, hindi naman ito posible dahil sa kakulangan ng pondo.

Kaya naman ayon kay Health Secretary Francisco Duque III ay bumuo sila ng listahan ng magiging prayoridad na mabigyan ng bakuna.

Kabilang sa priority population na ito ayon kay Duque ay mga health care workers, frontiliners ng Department of Education, Department of Social Welfare and Development, Barangay Health workers, mga empleyado ng Bureau of Corrections, Bureau of Fire Protection,Bureau of Jail Management and Penology, Uniform Personnel ng PNP at AFP.

Kasama rin sa mg prayoridad aniya ang mga mahihirap nating kababayan na nasa vulnerable sector gaya ng Senior Citizens.

Nilinaw naman ni Duque na hindi nila isinama sa listahan ang mga buntis dahil sa posibleng safety issues.

Madz Moratillo

Please follow and like us: