Listahan ng operational commercial flights ngayong araw, inilabas ng MIAA

Ipinalabas ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang listahan ng kanilang operational commercial flights para ngayong araw, October 29.

Inaabisuhan ng MIAA ang mga pasahero na tiyakin ang kanilang scheduled flights dahil ang mga may confirmation lamang ang papayagang makapasok sa loob ng paliparan.

Maaari pa umanong magbago ang mga flight schedules.

Nauna nang niluwagan na ang IATF ang restrictions sa pagbiyahe sa labas ng bansa kabilang na ang pagpasok sa bansa ng mga dayuhang mayroong Investor Visa.

Habang obligado namang magsumite ng mga requirements sa mga lokal na pamahalaan ang mga pasaherong bibiyahe sa pamamagitan ng Domestic flight depende sa ipinatutupad na health protocol ng bawat lalawigan.

Please follow and like us: