Local absentee voting, umarangkada na…Mahigpit na seguridad ipinatutupad sa mga voting areas

Umaarangkada na ang Local absentee voting ngayong araw para sa mga kagawad ng pulis at militar at media personnel na may mahalagang gampanin sa araw ng halalan sa May 13.

Kaugnay nito, sinabi ni Philippine National Police spokesperson Police Col. Bernard Banac sa radyo Agila na nagbigay na sila ng paalala sa mga pulis na pangunahan ang pagboto at manguna rin sa pagbibigay seguridad.

Kabuuang nasa 134,000 na mga pulis ang kanila aniyang idineploy na kasalukuyang nagpapatupad ng mahigpit na seguridad.

Bawat rehiyon aniya ay may kani-kaniyang programa at schedule ng absentee voting.

Police Col. Bernard Banac
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *