“Love on Tour” concert ni Harry Styles sa Philippine Arena, mamayang gabi na

British singer Harry Styles poses on the red carpet upon arrival for the BRIT Awards 2023 in London on February 11, 2023. (Photo by ISABEL INFANTES / AFP)

Mamayanggabi na gaganapin sa Philippine Arena, ang “Love on Tour” concert ng British singer at dating miyembro ng One Direction na si Harry Styles.

Matapos magpahinga ang One Direction noong 2016, nag-solo ng career si Styles sa pamamagitan ng kaniyang debut album na “Harry Styles” na inilabas noong 2017.

Ang album na naging isang critical at commercial success ay nagtatampok sa hit singles na “Sign of the Times” at “Kiwi.”

Ang pangalawang album ni Styles na “Fine Line” na inilabas noong 2019 at nakatanggap din ng critical success, ay nagtatampok naman sa hit sing;es gaya ng “Watermelon Sugar” at “Adore You.”

Kamakailan, ang “Harry’s House” ay nagwagi ng Album of the Year award sa Grammy Awards 2023. Nanalo rin si Styles ng tatlong Billboard Music Awards, kabilang ang Top New Artist noong 2018, at Top Rock Album para sa “Fine Line” noong 2021.

© Agence France-Presse

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *