LPP, igigiit sa IATF na isàma na rin ang mga Gobernador sa priority list na mabakunahan

Hinihiling Ng League of Provinces of the Philippines (LPP) sa Inter-Agency Task Force (IATF) na maisama na rin ang 81 GObernador at mga Mayor na nasa high-risk at critical areas na mabigyan na ng bakuna.

Sa panayam ng Eagle in Action, sinabi ni LPP President at Marinduque Governor Presbitero Velasco na sana ay ibilang na sila sa A1.5 Priority list lalo pa nga’t kung sa hanay ng mga Gobernador ang pag-uusapan ay nasa sampu na ang nagpositibo sa Covid- 19.

Gaya ng mga Gobernador maging ang mga Local Chief Executive aniya ay nakalantad din sa virus habang gumaganap ng kanilang tungkulin kung aya dapat na ring mabakunahan at magkaron ng proteksyon.

Julie Fernando

Please follow and like us: