LRT-1 Roosevelt Station, pansamantalang isasara

Isasara pansamantala ang Roosevelt station ng Light Rail Transit Line 1 ( LRT-1 ) simula sa Setyembre 5-Disyembre 28, 2020.

Ayon sa Light Rail Manila Corporation ( LRMC ), ito ay upang magbigay daan sa konstruksyon ng Unified Grand Central Station na magkokonekta naman sa Line Systems ng LRT-1, MRT-3 at ng ginagawang MRT-7.

Sa panahon ng pagsasara ng Roosevelt Station, magiging last stop na ng LRT-1 sa Northbound area ang Balintawak Station.

Tiniyak din ng LRMC na mananatiling operational at patuloy na magsisilbi sa lahat ng mga pasahero ang Baclaran hanggang Balintawak Stations.

Samantala, sinabi ng LRMCna hindi na matutuloy ang naunang plano na pagtatalaga ng Roosevelt Shuttle Train para sa mga pasahero dahil sa sitwasyong dulot ng COVID-19 pandemic.

Please follow and like us: