Lucio Tan, pinagbabayad ng buwis ni Pang. Duterte

Pinagbabayad ng buwis ni Pangulong Rodrio Duterte ang multi-billionaire businessman na si Lucio Tan.

Sinabi ng Pangulo, kailangan niyang mangolekta ng buwis para may maipanggastos ang gobyerno sa iba’t ibang programa.

Gayunman, hindi tinukoy ni Pangulong Duterte kung magkano ang kinakailangang bayaran ni Lucio Tan sa gobyerno.

Si Tan ay kilalang tobacco magnate at may-ari ng Philippine Airlines (PAL) at dati ng hinahabol sa ilang bilyong buwis na utang sa gobyerno.

 

Please follow and like us: