Lumpsum na hinihinalang pork barrel nadiskubre ng Senado sa 2018 proposed budget

Hindi kumbinsido si Senador Panfilo Lacson na walang naipasok na pork barrel sa panukalang pambansang budget para sa susunod na taon  taliwas sa pahayag ng Department of Budget and Management at ng Kamara.

Katunayan sinabi ni Lacson na nadiskubre nila ang malaking lumpsum sa ilang departamento ng gobyerno gaya ng DPWH, DepEd at Dept. of Agriculture.

Kwestyunable rin aniya kung bakit inoobliga ang mga Senador at Kongresista na magsumite ng listahan ng mga proyekto bago isalang ang budget sa period of amendments.

Paano rin aniya ipaliliwanag ng DBMat Kamara ang nadiskubre nilang 8.3 billion na lumpsum sa 2017 budget na inilipat na para pondohan ang libreng tuition fee ng mga nasa State Colleges and Universities sa buong bansa.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *