Lumubog na MT Princess Empress, luma na– Remulla

Isa umanong “rebuilt scrap ship” ang lumubog na MT Princess Empress na nagdulot ng malawakang oil spill sa Oriental Mindoro.

Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, dalawang beses na ginawa ang barko at hindi orihinal na idinisenyo para maging oil tanker.

Batay aniya ito sa salaysay na hawak nila mula sa isang tao na nakakaalam ukol sa barko sa umpisa pa lang.

Courtesy: Radyo Agila

Sinabi ni Remulla na taliwas ito sa pahayag ng may-ari ng MT Princess Empress sa Philippine Coast Guard na bago at dalawang taon lang ang barko.

Sa pagtaya ng kalihim ay 50 taon na ang lumubog na barko.

Una aniyang nirebuild ito para maging LPG carrier at sa pangalawang paggawa ay pinahaba ito upang maging tanker.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *