Mabalacat City, tatlong sunod-sunod na araw nang ‘zero case’

Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang magsimula ang pandemya, ang lungsod ng Mabalacat ay nakapagtala ng zero cases ng COVID-19 sa loob ng tatlong magkakasunod na araw.

Ito ay batay sa bulletin ng Mabalacat City COVID-19 Response Integrated System mula noong November 14 hanggang November 16.

Gayundin, ayon sa pinakahuling ulat, tatlo ang naka recover habang wala namang naitalang nasawi na siyang nagpababa sa kabuuang bilang ng mga aktibong kaso ng lungsod na umabot lamang sa dalawampu.

Bagama’t ito ay isang magandang development sa COVID-19 response ng Mabalacat, patuloy pa ring pinapaalalahanan ng kasalukuyang alkade ang publiko, na sumunod sa mga ipinag-uutos ng gobyerno na health and safety protocols.

Samantala, maging ang bayan ng Porac ay nag-anunsyo rin sa publiko na base sa pinakahuling ulat, wala sa mga Porakenyo ang naidagdag sa bilang ng mga nagpositibo.

Diane Canlas

Please follow and like us: