Mabini Batangas may sapat na pondo para saapektado ng Lindol

Tiniyak ni Batangas Governor Hermilando Mandanas na sapat ang pondo ng kanilang lalawigan para sa pagbibigay ng tulong sa mga residente na nag-evacuate dahil sa dalawang magkasunod na paglindol noong Abril 4 at Abril 8.

Nagpasalamat din ni Mandanas sa lahat ng nagpaabot ng tulong sa kanilang lalawigan na naapektuhan ng pagyanig.

Patuloy naman  ang ginagawa nilang pag-iikot para tignan ang mga istraktura sa kanilang lalawigan at  ma-assess ang mga damage na dulot ng lindol.

Samantala, bagaman niyanig ng paglindol ang Mabini Batangas wala naman grabeng pinsala at naitalang nasawi dahil sa nasabing lindol.

 

Please follow and like us: