Mag-asawang drug pusher, arestado sa Zamboanga del Norte

Naaresto ng mga otoridad ang mag-asawang drug pusher sa isinagawang Buy-Bust operation sa Zamboanga del Norte.

Ang anti-drug operation ay pinangunahan ng Intelligence Operatives o Provincial Drug Enforcement Unit ng Zamboanga del Norte Police Provincial Office sa Purok 3, Barangay Tuburan, Katipunan, Zamboanga del Norte.

Nakilala ang mag-asawa na sina Haidee Dagaylon at Raymund Morro na kapwa residente ng Barangay Biasong, Dipolog City.

Nakumpiska sa mga suspect ang dalawang malalaki at 5 maliliit na pakete ng shabu, 500 pisong cash na nagsisilbi bilang buy bust money, isang 50 pisong proceeds money at isang basyo ng kahang sigarilyo bilang container ng shabu.

Dinala na sa Provincial Crime Laboratory office ang mga suspek at isinailalim na sa drug testing habang ang mga drug items ay isasailalim sa chemical examination.

Nahaharap ang mag-asawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Rosevelt Mondinido, EBC Correspondent

Please follow and like us: