Magdalo group hindi natitinag sa mga banat ni Pangulong Duterte

Hindi pa rin natitinag ang grupong Magdalo sa mga banat  at paninira ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa harap ito ng pagbatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Filipino community sa Myanmar dahil sinabi ng Pangulo na duwag at walang paninindigan ang grupong Magdalo.

Pero ayon kay Senador Antonio Trillanes, ang grupong Magdalo ay may pinakamahabang track record ng paninindigan at consistency sa pagsulong ng reporma at paglaban sa katiwalian.

Pero wala silang balak na tumigil at magpatinag  sa pagbubunyag ng katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan  lalo na sa nagaganap na extra judicial killings laban sa mga sangkot sa illegal drugs.

Ulat ni : Mean Corvera

Please follow and like us: