Magiging trabaho ni incoming Tourism secretary Berna Romulo-Puyat sa DOT, hindi na bago sa kaniya

          photo grabbed from her FB account

Hindi na bago para kay incoming Tourism secretary Berna Romulo-Puyat na magtrabaho sa ilalim ng Department of Tourism.

Sa panayam ng programang Eagle in Action, sinabi ni Puyat na matagal na niyang naging katrabaho ang DOT sa panahon pa umano ni dating Tourism secretary Ramon Jimenez.

Marami na aniyang naging joint project ang DOT at Department of Agriculture gaya ng Madrid Fusion at Agri-Tourism o Culinary tourism kung saan ipino-promote ang mga local products ng bansa sa buong mundo.

Magkagayunman, handa siyang pag-aralan pa at makinig sa mga on-going programs o projects ng DOT na hindi konektado sa pagkain na siya niyang adbokasiya.

“Pagka-finally nagkaron na ng oath taking at nasa Department of Tourism na ‘ko syempre makikinig din ako sa kanilang mga plano at mga current programs and projects. Kasi syempre meron namang projects na hindi connected sa foods kaya ire-review din naman natin yan

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *