Magnitude 3.1 na lindol tumama sa Agno,Pangasinan

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang Pangasinan.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig kaninang 1:50 ng hapon.

Natukoy ang epicenter ng lindol 88 kilometro timog kanluran ng Agno.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na dalawamput siyam na kilometro.

Walang naitalang pinsala at wala ring inaasahang aftershocks sa naturang pagyanig.
Please follow and like us: