Magnitude 4.4 na lindol , tumama sa Sarangani , Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology natukoy ang lindol sa layong 295 kilometro timog silangan ng Munisipalidad ng Sarangani.

Naitala ang naturang pagyanig kaninang 7:11 ng umaga.

Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 256 kilometers.

Wala namang napaulat na napinsala at wala ring inaasahang aftershocks sa naturang lindol.

Please follow and like us: