Magnitude 4.9 na lindol, naitala sa General Nakar, Quezon, yumanig rin sa Metro Manila

Isang malakas na pagyanig ang naramdaman sa maraming lugar ngayong madaling araw kabilang ang Metro Manila.

Sa Earthquake Information No.1 na ipinalabas ng Phivolcs, naganap ang lindol ganap na 2:14AM ng December 22, 2020.

Naitala ito sa Magnitude 4.9 at may depth na 15 kilometers
sa kanlurang bahagi ng General Nakar (Quezon province)

Ang lindol ay naramdaman rin sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Wala pang napaulat na pinsala ang nasabing pagyanig.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *