Mahigit 100 bagong recoveries, naitala sa Santa Rosa City, Laguna

Kabuuang 1,538 na ang bilang ng mga gumaling mula sa Covid-19 sa Santa Rosa City, Laguna.

Ito ay matapos makapagtala ng 107 bagong recoveries sa lungsod sa loob ng isang araw.

Batay pa sa pinakahuling datos mula sa city government, umaabot na lamang sa 572 ang aktibong kaso ng Covid sa Santa Rosa mula sa mahigit 2,100 na kumpirmadong kaso.

Samantala, inanunsyo ng lokal na pamahalaan na natapos na ang bisa ng home quarantine pass kaya hindi na ito kailangan kapag lalabas ng tahanan.

Gayunman, pinaalalahanan pa rin ang mga residente na sundin pa rin ang minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, physical distancing, at paghuhugas ng kamay.

Moira Encina

Please follow and like us: