Mahigit 100 inmates at dalawang empleyado ng Bureau of Corrections, nagpositibo sa paggamit ng shabu

Nagpositibo sa paggamit ng shabu ang mahigit 100 inmates at dalawang empleyado ng Bureau of Corrections.

Ito ang kinumpirma ni BuCor Director Benjamin Delos Santos matapos ang random drug test sa 585 na preso at 1,023 BuCor employees.

Ayon kay delos Santos, dadaan pa ang mga nagpositibo sa droga sa tinatawag na confirmatory drug test.

Kapag nagpositibo pa rin sa iligal na droga matapos ang confirmatory test ay mahaharap sa kasong administratibo ang dalawang kawani ng BuCor habang mababawasan naman ng Good Conduct Time Allowance ang mga inmate na nagpositibo.

Isinagawa ang random drug test mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon sa New Bilibid Prisons at iba pang penal colony na nasa ilalim ng  BuCor.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *