Mahigit 11,000 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, naitala ng DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 11, 378 na bagong ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 876, 225 ang kabuuang kaso ng COVID infections sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 157, 451 ang aktibong kaso.

May 267 naitalang bagong gumaling mula sa sakit kaya umabot na sa 703, 625 ang kabuuang bilang ng mga recoveries sa bansa.

Nadagdagan naman ng 204 bagong pumanaw dahil sa virus.

Sa kabuuan, umakyat na sa 15,149 pasyente ang namatay dahil sa COVID-19.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: