Mahigit 13 na libong bagong kaso ng Covid-19 sa bansa naitala ng DOH

Umabot na sa 132,139 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 13,846 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 39,980 ang naitalang bagong gumaling.

May 91 namang naiulat na bagong nasawi dahil sa virus,kaya umabot na sa 37,686 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Sa ngayon ay 2,522,965 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 2,353,140 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Ayon sa DOH, ang mababang bilang ng bagong kaso ng Covid-19 na iniulat ngayong araw ay dahil sa mababang laboratory output noong Linggo, September 26.

Madz Moratillo

Please follow and like us: