Mahigit 1,600 COVID-19 recoveries, naitala sa CALABARZON

Nadagdagan ng mahigit 1,600 ang gumaling mula sa COVID-19 sa CALABARZON.

Sa tala ng DOH Center for Health Development- CALABARZON, kabuuang 1,687 pasyente ang bagong nakarekober mula sa sakit sa rehiyon.

Dahil dito, aabot na sa 87,941 ang COVID recoveries sa Region IV-A.

Samantala, umabot sa 1,441 ang bagong nahawahan ng COVID sa CALABARZON.

Sa kasalukuyan, 19,555 ang aktibong kaso ng virus sa Region IV-A.

Ang Cavite ang may pinakamaraming active cases sa rehiyon na mahigit 7,200.

Moira Encina

Please follow and like us: