Mahigit 17,000 bagong kaso ng Covid-19 naitala sa bansa ngayong Biyernes

Umabot na sa 175,470 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 17,964 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 9,067 ng naitalang bagong gumaling.

May 168 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 34,899 pa rin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Sa ngayon ay 2,179,770 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,969,401 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: