Mahigit 18,000 na bagong kaso ng COVID- 19, naitala sa bansa

Umabot na sa 177,670 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 18,056 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, habang 20,542 ang naitalang bagong gumaling.

May 222 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 35,529 parin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 2,266,066 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 2,052,867 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: