Mahigit 1k bagong kaso ng Omicron subvariants, muling naitala sa bansa

Tatlong pasyente na positibo sa omicron subvariants ang nasawi.

Ayon sa Department of Health, ang 2 rito ay positibo sa BA.5 habang BA.4 naman ang isa.

Sa pinakahuling genome sequencing, may 1,011 bagong kaso ng BA.5 ang naitala sa bansa.

Pero ang 907 dito ay nakarekober na, naka-isolate ang 53, 2 ang nasawi habang inaalam naman ang estado ng 49 na iba pa.

May 19 namang karagdagang kaso ng BA.4 ang naitala.

Pero ang 15 sa kanila nakarekober na, 3 ang naka -isolate habang nasawi ang isa.

Patuloy namang inaalam ng DOH ang exposure at travel history ng mga ito.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: