mahigit 20 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo , nasabat sa Davao

Aabot sa mahigit 20 milyong pisong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat ng Bureau of Customs o BOC sa Davao.

Ayon sa BOC, nakatanggap sila ng derogatory information kaugnay sa laman ng nasabing shipment kaya naman agad naglabas ng alert order si Port of Davao District Collector Erastus Sandino Austria laban rito.

Ang kargamento ay idineklara bilang plastic cups, pero matapos isailalim sa physical examination nakita ang 980 master cases ng ibat ibang brand ng sigarilyo.

Ang shipment ay naka-consign sa GOLDSMITH TRADING.

Naglabas na ng warrant of seizure and detention ang BOC laban sa nasabing shipment dahil sa mga posibleng paglabag.

Madz Moratilllo

Please follow and like us: