Mahigit 21,000 bagong kaso ng Covid-19 sa bansa, naitala

Umabot na sa 177,946 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 21,261 bagong kaso ng COVID 19, habang13,644 ang naitalang bagong gumaling.

May 277 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 36,018 na ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Sa ngayon ay 2,304,192 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 2,090,228 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: