Mahigit 28 libong bagong kaso ng COVID-19 naitala nitong nakaraang linggo

Nakapagtala ng 28, 008 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong nakaraang linggo.

Ayon sa Department of Health, mula Agosto 8 hanggang 14, may 4,001 kaso ng virus infection ang naitala kada araw na mas mataas ng 3 porsyento kumpara noong nakalipas na linggo.

May 101 namang bagong naitalang kaso ng severe at kritikal habang may 229 nadagdag sa nasawi.

Sa 229 na ito, 98 ang nasawi ngayong Agosto, 129 noong Hulyo, 1 noong Hunyo at 1 noong Setyembre ng nakaraang taon.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: