Mahigit 30,000 empleyado ng Toys ‘R’ Us sa Amerika, nanganganib mawalan ng trabaho

Napipintong ibenta o isara ang lahat ng tindahan ng Toys ‘R’ Us sa Estados Unidos.

Ang Toys ‘R’ Us ay may 70 stores sa iba’t-ibang panig ng Amerika.

Mismong si Chief Executive David Brandon ang nag-anunsyo ng kahihinatnan ng kumpanya.

Nabatid na aabot sa 33,000 na mga manggagawa ng nasabing tindahan sa Amerika ang maaapektuhan.

Noong Setyembre ay naghain ng bankruptcy ang kumpanya matapos umabot sa mahigit 5 billion dollars ang kanilang pagkakautang.

 

====================

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *