Mahigit 3K bagong kaso ng COVID-19 naitala sa CALABARZON

Kabuuang 3,194 bagong kaso ng COVID-19 ang naidagdag sa CALABARZON nitong August 25.

Sa datos ng DOH Center for Health Development- CALABARZON, umakyat na sa 245,782 ang kumpirmadong nahawan ng virus sa rehiyon.

Mula sa nasabing bilang, 29,121 ang aktibong kaso o ang mga nagpapagaling at ginagamot pa.

Umabot naman sa 1,554 ang bagong gumaling kaya mahigit 209,000 na ang nakarekober na pasyente sa Region IV-A.

Nakapagtala naman ng 77 bagong pumanaw kaya 7,305 na ang namatay na COVID patients sa CALABARZON.

Nangunguna ang Cavite sa pinakamaraming aktibong kaso na 12,936 at new cases na 1,483.

Sumunod ang Laguna na 7,101 active cases at bagong kaso na 635.

Moira Encina

Please follow and like us: