Mahigit 400 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa CALABARZON

Muling tumaas ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa CALABARZON.

Mula sa 46 new cases na naidagdag noong katapusan ng Pebrero ay nakapagtala ang DOH Center For Health Development- CALABARZON ng 404 na bagong COVID case sa rehiyon sa unang araw ng Marso.

Dahil dito, aabot na sa 78,824 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng virus sa Region IV-A.

Gayunman, mahigit 3,700 na lang ang aktibong kaso ng sakit sa CALABARZON.

Gumaling na ang nasa 72,700 kung saan 339 ang bagong recoveries.

Ang pinakamataas na naitalang bagong kaso ng sakit noong nakaraang buwan ay 429 noong Pebrero 22.

Moira Encina

Please follow and like us: