Mahigit 400 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa CALABARZON

Nadagdagan ng mahigit 400 kaso ng COVID-19 ang rehiyon ng CALABARZON.

Sa pinakahuling datos ng DOH Center for Health Development- CALABARZON, kabuuang 407 bagong kaso ng virus naitala sa rehiyon.

Dahil dito, aabot na sa 74,828 ang kumpirmadong kaso ng COVID sa rehiyon.

Pero mula sa nasabing bilang ay 4,606 na lamang ang aktibong kaso.

Gumaling na mula sa sakit ang 68,098 pasyente at  2,124 ang pumanaw.

Hinimok ng mga otoridad ang publiko na patuloy na sundin ang minimum health protocols dahil sa may banta pa rin ng COVID-19.

Moira Encina

Please follow and like us: