Mahigit 4,500 bagong COVID- 19 cases naitala ng DOH

May 4,578 na bagong kaso ng COVID- 19 na naitala ang Department of Health.

Dahil rito, umakyat na sa 611,618 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 52,012 lamang ang aktibong kaso.

Mayroon namang 272 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 546,912 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 87 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 12,694 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: