Mahigit 4,500 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa CALABARZON

Umakyat na sa 40,591 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.

Ito ay matapos may madagdag sa rehiyon na 4,598 bagong nagpositibo sa sakit habang gumaling ang 3,087 pasyente.

Batay pa sa datos ng DOH Center for Health Development- CALABARZON, may bagong namatay dahil sa virus sa rehiyon na 124.

Sa kabuuan ay 280,345 ang kumpirmadong nahawahan ng COVID sa Region IV-A mula noong nakaraang taon habang nakarekober ang 231,732 at pumanaw ang higit 8,000.

Ang Cavite ang may pinakamaraming active case na lagpas sa 17,700 at sinundan ng Laguna na nasa 9,500.

Moira Encina

Please follow and like us: