Mahigit 4,600 bagong kaso ng COVID-19, naidagdag sa CALABARZON

Lagpas na sa 300,000 ang kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 mula sa CALABARZON.

Ito ay makaraang madagdagan ng 4,668 na bagong kaso ng sakit ang rehiyon nitong Setyembre 14.

Ayon sa datos ng DOH Center for Health Development- CALABARZON, kabuuang 300,331 ang nahawahan ng virus mula noong nakaraang taon.

Mula sa nasabing bilang, gumaling na ang 246,295 pasyente habang namatay ang 8,652.

Sa ngayon ay umaabot na sa 45,384 ang aktibong kaso ng sakit sa Region IV-A.

Ang Cavite pa rin ang may pinakamaraming active cases na mahigit 19,200.

Moira Encina

Please follow and like us: