Mahigit 500 piraso ng iligal na droga nasabat ng mga awtoridad

Aabot sa mahigit 500 piraso ng ecstasy ang natuklasan ng mga awtoridad sa isang package.

Ayon sa Bureau of Customs, ang shipment idineklara bilang beads na nasa bote.

Dumating ito sa bansa noong September 30 mula sa Netherlands.

Pero matapos masuri ng mga awtoridad nakitang iligal na droga pala ang laman nito na nagkakahalaga ng 858,500 pesos.

Agad namang nagsagawa ng controlled delivery ang mga awtoridad sa claimant nito na nagresulta sa pagka aresto ng suspek sa Parañaque City.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.