Mahigit 5,000 na kabataan sa Maynila nais magpabakuna kontra COVID-19

May 5,086 kabataang nasa edad 5 hanggang 11 taong gulang na sa Maynila ang nagpahayag ng pagnanais na mabakunahan sila kontra COVID-19.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ang mga nasa age group na ito ay pwede ng magpapre register sa www.manilacovid19vaccine.ph.

Kasama sa pinag-aaralan aniya nila na gawing inisyal na vaccination site para sa 5 to 11 yrs old ay sa Manila Zoo at Bagong Ospital ng Maynila.

Kahapon ay natapos na aniya nila ang magiging plano sa oras na simulan na ang pagbabakuna sa mga bata.

Ang sabi aniya sa kanila ay Pebrero 2 ang dating ng mga bakuna dito sa bansa at sisimulan ang vaccine roll out sa Pebrero 4.

Madz Moratillo

Please follow and like us: