Mahigit 600 bagong kaso ng Covid-19, naitala sa CALABARZON

Nadagdagan ng 606 na bagong kaso ng Covid-19 ang Region IV-A o CALABARZON.

Ito ay batay sa pinakahuling datos mula sa DOH- Center for Health Development CALABARZON.

Dahil dito, umaabot na sa 34,345 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus sa rehiyon.

Gayunman, naitala ang 1,039 na bagong recoveries sa CALABARZON kaya nasa 17,200 na ang gumaling mula sa sakit.

Sa kabuuan, 16,271 na lamang ang aktibong kaso ng Covid sa rehiyon.

Ang Laguna ang may pinakamaraming naitalang kumpirmadong kaso ng Covid na 11,040 at sumunod ang Cavite na mayroong 9,338.

Moira Encina

Please follow and like us: