Mahigit 7600 lugar sa bansa isinailalim sa Election hotspots ng PNP

Isinailalim sa election hot spots ng PNP ang 7638 na lugar sa bansa.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, 2071 sa mga ito ay nasa ilalim ng yellow, 4970 sa orange habang 597 ay red.

Kapag ang lugar ay isinailalim sa red  nangangahulugan ito na kritikal ang lagay ng seguridad doon.

Kapag yellow ay mayroong kasaysayan ng political violence, at kapag orange ay may presensya ng armadong grupo o organized movement.

Mula sa 597 na lugar na isinailalim sa red, 438 ay mula sa ARMM; 60 lugar sa Bicol; 40 sa Region 12; at labing-isa sa Region 8.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *