Mahigit 90 inmates sa Bilibid at BuCor Extension Facility, nakalaya na

Pinalaya na ang nasa 90 Persons Deprived of Liberty o PDLs na nakapiit sa New Bilibid Prisons at BuCor Extension Facility-PMA.

Ayon sa Bureau of Corrections, kabuuang 93 PDLs ang ganap nang nakalabas ng kulungan.

Walumput-anim sa mga inmates ay ginawaran ng parole, anim ang acquittal at isa ay expiration of sentence.

27 sa mga inmates ay galing sa Maximum Security Compound, 43 ay mula sa Medium Security Compound, 19 sa Minimum Security Compound at 4 na  mula sa BuCor Extension Facility-PMA.

Pinabaunan ng BuCor ang mga PDLs ng grooming at hygiene kit at salapi para sila ay makauwi sa kanilang lugar.

Ang iba naman ay hinatid mismo ng BuCor para matiyak na makauwi ng ligtas.

Moira Encina

Please follow and like us: