Mahigit isang libong bagong trainees ng Philippine Coast Guard sabay sabay na nanumpa

Aabot sa 1,450 trainees ng Philippine Coast Guard ang sabay sabay na nanumpa sa tungkulin.

Ayon sa PCG, ito na ang pinakamalaking oath taking ceremony ng kanilang trainees.

Ang seremonya ay pinangunahan ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu.

Nagpasalamat naman siya sa mga bagong trainee na piniling maging miyembro ng coast guard.

Pinaalalahanan din niya ang mga ito sa responsibilidad na nakaatang sa kanila.

Ang malawakang recruitment ng PCG ay bahagi ng kanilang modernization program.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us: