Mahigit P2.1 million na halaga ng mga sigarilyo nasabat ng PCG sa Cebu

Aabot sa mahigit 2.1 milyong pisong halaga ng mga sigarilyo na iligal na ipinuslit ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard Central Visayas sa Cebu.

Ayon sa PCG, ang mga nasabing smuggled na sigarilyo itinago sa loob ng kahon ng mga lata ng sardinas.

Ang kontrabando nagmula umano sa Malaysia.

Agad namang kinumpiska ang mga smuggled na sigarilyo.

Tiniyak ng PCG ang patuloy na pakikipagtulungan para mapigilan ang pagpasok ng mga smuggled na produkto sa bansa na idinadaan sa karagatan.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: