Major Revamp sa PNP, hindi pa kailangan – Gen. Eleazar

Hindi pa kailangan ng major reshuffle o malawakang balasahan sa Philippine National Police.

Sinabi ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar na ang nangyaring balasahan matapos magretiro sa serbisyo si dating PNP Chief General Debold Sinas ay minimal lamang.

Matatandaang matapos maitalaga bilang hepe ng Pambansang Pulisya si Eleazar noong May 7 ay nagpatupad ng ng ilang pagbabago sa PNP Leadership.

Kabilang dito ang pagtatalaga kay Lt. General Joselito Vera Cruz bilang Depuy Chief for Administration o ikalawang pinakamataas na PNP Official at kay Lt. General Ephraim Dickson bilang hepe ng Directorial staff o ikatlong pinakamataas na PNP Official.

Please follow and like us: