Major roads sa Valenzuela city, passable na

 

Passable na ang lahat ng mga pangunahing kalye sa Valenzuela city maliban na lamang sa mga tinatawag na “below-sea” level Barangay sa lunsod.

Sa panayam ng Radyo Agila kay Mayor Rex Gatchalian, 14 na barangay ang kabilang sa “below-sea” level na malapit na sa Bulacan.

Paliwanag ni Gatchalian, ang mga tubig na ito ay nagmumula sa Meycauayan river at pagka-minsan ay umaabot sa kanilang lunsod.

Kapag bumaba na ang level ng Meycauayan river ay mabubuksan na nila ang kanilang mga flood gates upang humupa na rin ang tubig-baha sa 14 na barangay.

Bumaba na rin sa 20 pamilya ang kanilang mga evacuees at nakauwi na ang karamihan sa mga ito.

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *