Makati City RTC nagpalabas ng Hold Departure Order laban kay Peter Go Lim

Nagpalabas na ang Makati City Regional Trial Court ng Hold Departure Order laban sa itinuturong big time drug supplier na si Peter Go Lim.

Sa kautusan na inisyu ni Makati City RTC Branch 65 Presiding Judge Gina Bibat-Palamos, inatasan ang Bureau of Immigration na pigilang makaalis ng bansa si Lim.

Pinaboran ng korte ang mosyon ng DOJ na magpalabas ito ng HDO laban kay Lim matapos makitaan ng merito ang kahilingan ng kagawaran.

Bigong makadalo sa pagdinig sa hirit na HDO ang abogado ni Lim na si Alex Francis Ver Lopez kahit personal itong inabisuhan ukol sa hearing at tanging si State Prosecutor  Herbert Calvin Abugan ang humarap.

Ayon sa DOJ, isang flight risk si Lim dahil sa  madalas at may kakayanan itong magbiyahe sa ibang bansa.

Si Lim ay akusado sa kasong conspiracy to commit illegal drug trading na isinampa ng DOJ.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *