Malacañang, ikinatuwa ang patuloy na pag-ani ng medalya ng mga atletang Pinoy sa SEA Games

Patuloy na nakatutok ang Palasyo sa performance ng mga atletang pinoy sa 30th Southeast Asian Games sa bansa.

Sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ikinatutuwa ng Palasyo na nakikitang ang pagsusumikap ng mga atleta na makasungkit ng mga medalya.

Kinongratulate ng Palasyo ang mga atleta at sinabing nagbibigay sila ng karangalan sa bansa sa multi-sport event.

agpaabot naman ang Palasyo ng good luck message sa mga atleta na makikilahok pa sa mga palaro sa mga susunod na araw.

Tiniyak ni Panelo na makakatanggap ng dagdag na insentibo ang mga pinoy athlete na nakakuha ng medalya sa 30th SEA games.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us: