Malakanang tiniyak na maayos ang kundisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng hindi niya pagdalo sa ilang event kamakailan

Ginagarantiya ng Malacanang na nasa maayos na kundisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng hindi niya pagdalo sa ilang event noong Biyernes at Sabado.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sumakit ang ulo ni Pangulong Duterte dahil sa migraine kaya’t kinailangan niyang magpahinga at hindi na siputin ang dalawang event sa Davao City.

Ayon kay Panelo matapos naman daw ang tatlong oras na pahinga ay bumalik na agad sa trabaho ang Pangulo.

Inihayag ni Panelo nitong weekend naging abala daw si Pangulong Duterte sa ilang papers works at ilang dokumentong kailangan niyang pag-aralan.

Sinabi ni Panelo na hindi pa nakakabalik sa Maynila at nasa Davao pa rin ang Pangulo.

Tinitiyak naman ni Panelo na nasa magandang kundisyon si Pangulong Duterte at walang seryosong karamdaman ngayon.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *