Malakanyang, hindi papayagang masaid ang pondo ng Philhealth

Tiniyak ng Malacañang na hindi mauuwi sa pagkabangkarote ang pondo ng Philhealth sa gitna ng nararanasang pandemiya at alegasyon ng korupsiyon sa ahensya.

Ang garantiya ay ginawa ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na  hindi papayagan ng Malakanyang na mauwi sa pagkabangkarote ang Health Insurance ng taumbayan.

Sinabi ni Roque na siyang pangunahing may-akda sa Kamara ng Universal Health Care  na hindi mangyayari na mabangkarote ang Philhealth dahil mayroon itong sovereign guarantee.

Ayon kay Roque sakaling hindi sapat ang pondo ng ahensiya gobyerno ang  magdadagdag ng budget sa Philhealth na huhugutin sa kaban ng bayan.

Inihayag ni Roque kahit ano ang mangyari ay hindi mauuwi sa senaryong mawawalan ng pondo ang Philhealth dahil sa government subsidy.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us: